Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang Natatanging Gawad ISAAL sa Serbisyong Publiko ng Inter School Academic and Athletic League (ISAAL)!
Sa ginanap na pulong ng alkalde at ISAAL, tiniyak ng organisasyon ang kanilang buong suporta sa lungsod na host ng Palarong Pambansa 2027.
Nanumpa rin ang mga opisyal at miyembro ng ISAAL – Quezon City Chapter, sa pangunguna ni ISAAL Founder and President Dr. Dennis Balquiedra. Sinaksihan naman ito nina Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at QC Sports – Office of the City Administrator (OCA) Action Officer Robbie De Vera.










