Mainit na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte si Irish Ambassador to the Philippines H.E. Emma Hickey sa kanyang pagbisita sa pamahalaang lungsod kahapon.
Tinalakay sa kanilang pulong ang ilang programa ng QC para sa pagtaas ng antas ng kababaihan, LGBTQIA+, mga kabataan, at QCitizens na nabibilang sa marginalized sector.
Handang makipagtulungan ang QC Government sa Embassy of Ireland upang mapaigting pa ang ilang programa ng pamahalaan para sa komunidad.