Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita nina Israeli Minister of Tourism Haim Katz, Foreign Affairs Adviser Ambassador Peleg Lewi, at Israel Ambassador to the Philippines Ian Fluss sa Lungsod Quezon.

Nag-alay sila ng mga bulaklak sa Philippine-Israel Friendship Park na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle.

Ang park na katabi ng Quezon Heritage House ay itinayo bilang simbolo ng pagkakaisa ng bansa at Israel, lalo na noong malugod na tinanggap ni Pangulong Manuel L. Quezon ang 1,300 Jewish refugees sa Pilipinas.

Niregaluhan ni Mayor Joy ng ‘Key to the City’ si Minister Katz.

#TayoAngQC

#QC85th

+16