Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si Mayor Leni Robredo ng Lungsod ng Naga sa isang courtesy visit sa Quezon City Hall ngayong araw.
Sa kanilang pulong, tinalakay ang pagpapadala ng mga IT experts ng QC Government upang tumulong sa pagpapatupad ng digitalization efforts ng Naga City.
Tinalakay rin ang mga best practices ng Quezon City sa pabahay, human resource development, at pamamahala na maaaring maging kapaki-pakinabang sa Lungsod ng Naga.
Nakiisa sa pulong sina City Administrator Michael Alimurung, Information Technology and Development Department OIC Mary Ann Cruz, at External Affairs Officer Tetta Tirona.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagbabahagi ng kaalaman, mas napapabuti ng mga lokal na pamahalaan ang mga serbisyong ibinibigay sa kanilang mga mamamayan.










