Ibinahagi ng lokal na pamahalaan ang iba-ibang programa at incentive ng lungsod para sa mga negosyo, sa pagbisita ng Italian Chamber of Commerce in the Philippines (ICCPI) sa lungsod ngayong hapon.

Tinalakay ni Mayor Joy Belmonte kina ICCPI President Sergio Boero at ICCPI Executive Director Lorens Ziller ang mga inisyatibo ng lungsod para sa mga negosyo at ilang programa para sa mga QCitizen.

Kabilang dito ang QC Incentives Code, mga programa para sa pangangalaga sa kalikasan, at digitalization ng mga proseso ng lungsod.

Dumalo rin sa kanilang meeting sina Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia, at Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan.

+7