Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita kay Mayor Joy Belmonte si Municipality of Jose Abad Santos, Davao Occidental Mayor Atty. Jason John Joyce.
Nagpasalamat si Mayor Jason sa tulong na ipinagkaloob ng Quezon City Government matapos maapektuhan ang kanilang munisipalidad ng 7.8-magnitude na lindol noong Hunyo.
Nakatanggap ang Jose Abad Santos ng isang milyong pisong donasyon mula sa lokal na pamahalaan. Nagpadala rin ng team sa kanilang komunidad para tumulong magbigay ng psychosocial support sa mga residente.
Kasama ni Mayor Joy na sumalubong kay Mayor Jason sina Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Atty. Migs Suntay, at External Affairs Officer Tetta Tirona.








