Welcome to QC, NCR-PDAO League!
Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga miyembro ng National Capital Region – League of Persons with Disability Affairs Office (NCR-LPDAO) na bumisita sa City Hall ngayong araw.
Tumatayong presidente ng NCR-LPDAO si Quezon City Persons with Disability Affairs Office head Debbie Dacanay. Nagmula sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang mga miyembro ng samahan.
Suportado ni Mayor Joy ang layunin ng samahan na mapalakas pa ang ugnayan ng mga Persons with Disability Affairs offices sa Metro Manila.
Hangad rin ng Alkalde na mapalawig pa ang serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga Persons with Disabilities.