Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Department of Public Works and Highways – NCR (DPWH-NCR) Quezon City 2nd District Engineering Office OIC Engr. Johnny Protesta upang pag-usapan ang mga kasalukuyang proyekto ng DPWH sa Districts 3 at 4.

Ayon kay Mayor Joy, mahalagang nakalinya sa City Development Plan ang mga proyekto ng DPWH at mga kinatawan ng distrito para masigurong akma ito sa pangangailangan ng mga QCitizen.

Kasama rin sa meeting sina City Administrator Mike Alimurung, City Engineer Atty. Dale Perral, Atty. Zandy Zacate ng Infrastructure Committee, at Chief-of-Staff Rowena Macatao.