Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si New Zealand Ambassador to the Philippines, H.E. Dr. Catherine McIntosh, sa kanyang courtesy visit sa lungsod ngayong araw.
Tinalakay sa kanilang pulong ang iba-ibang programa at proyekto na maaaring pagtulungan upang mas lalong pagtibayin ang diplomasya sa pagitan ng Quezon City at ng New Zealand.
Kabilang sa mga paksa ng talakayan ang Consultancy Project sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod Quezon at ng New Zealand Bioeconomy Institute, na layong palakasin ang kaalaman sa larangan ng bioeconomy, food safety, food security, at economic development.
Napag-usapan din ang mga inisyatiba kaugnay ng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng diplomatic relations ng New Zealand at Pilipinas ngayong 2026, bilang patunay ng matibay at patuloy na ugnayan ng dalawang bansa.
Nakiisa sa nasabing pulong sina QC Business Permits and Licensing Department Head Margie Mejia, Market Development and Administration Department OIC Atty. Mark Aldave, Chief Tourism Operations Officer Marivic Tolentino, at QC External Relations Officer Maria Teresa Tirona.








