Mas paiigtingin pa ng Quezon City Government ang pakikipagtulungan sa National Meat Inspection Service (NMIS).
Mainit na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at City Veterinarian Dr. Ana Maria Cabel si NMIS-NCR Director Fernando Lontoc sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall.
Ipinahayag ni Lontoc ang kanilang plano para matiyak na lahat ng karne na ibinibenta sa lungsod ay malinis, de-kalidad, at ligtas para sa lahat ng QCitizen consumers.




