Welcome to Quezon City, Ambassador Christian Lyster!
Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Hall si Norwegian Ambassador to the Philippines, Christian Lyster.
Tinalakay sa pagbisita ang ilang pangunahing adbokasiya ng Norwegian Embassy tulad ng mga programa sa human rights, public order and safety, Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), at circular economy.
Ipinahayag naman ng pamahalaang lungsod ang kahandaan nitong makipagtulungan upang maisulong ang mga programa at higit pang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng Quezon City at ng Norwegian Embassy.








