Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilala mula sa civil society group na One Movement Incorporated.
Mismong si One Movement Chairman Marlon Mendoza ang nagbigay ng plaque of appreciation kasabay ng kanyang pagbisita sa tanggapan ng alkalde.
Kabilang sa layon ng kanilang pagbisita ang pakikipagtulungan ng grupo sa urban farming initiatives ng lungsod.
Nakiisa rin sa pulong si Joy of Urban Farming head Ms. Tina Perez upang ilahad ang mga urban farming programs ng QC.