Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng Ortigas Center Association Inc. (OCAI), upang talakayin ang kanilang posibleng kolaborasyon sa lokal na pamahalaan sa pagpapalawak ng Ortigas Center.
Ibihanagi naman ni Mayor Joy ang tuloy-tuloy pag-unlad ng Quezon City tulad ng pag-develop ng local 15-minute city concept, pagsuporta sa active mobility, at ang mga green projects ng lungsod.
Kasama na rin sa mga napag-usapan ang Zero Waste policy, urban farms, Trash to Cash Back program, at ang pag-digitalize ng mga transaksyon at proseso ng lokal na pamahalaan.
Hinimok din ng Alkalde ang OCAI na suportahan ang Learning Recovery Program ng QC upang makatulong sa mga kabataang QCitizens.
Dumalo sa meeting sina Local Economic And Investment Promotions Office head Jay Gatmaitan, Business Permits and Licensing Department head Margie Santos at mga opisyal ng OCAI na pinangunahan ni Chairman Celso P. Ylagan II, President Hilario Acosta, Director George Lee, Director Irving Wu, General Manager Maria Santiago, at Arch. Raul Ventura.