Bumisita sa Quezon City Hall at kay Mayor Joy Belmonte ang mga atletang QCitizen na sina Aga Casidsid at Augusto Hernandez.
Si Aga Casidsid, mula sa Barangay Nagkaisang Nayon, ay nag-uwi ng dalawang gintong medalya (P5 Class OCR 100 at 3K OCR Short Course category) sa katatapos lang na World Obstacle UIPM 2023 OCR World Championships sa Belgium.
Magiging kinatawan naman sa gaganaping Para Tenpin Bowling International 2023 sa Singapore si Augusto Hernandez na mula naman sa Barangay Escopa III.



