Nagcourtesy visit kay Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng Philippine Elementary School Principals Association – QC ngayong araw.
Tinalakay nila ang mga proyektong maaaring gawin upang mas mapataas pa ang kaalaman at karunungan ng mga guro sa Quezon City.
Nagpasalamat din sila sa mga proyekto ng lungsod para sa mga estudyante na nasa elementarya, katulad ng school supplies, mga gusali sa paaralan, at gadgets.