Isang mainit na pagtanggap ang ibinigay ng pamahalaang lungsod kay Philippine National Police Chief PGen. Nicolas Torre III, sa kanyang courtesy visit ngayong araw sa QC Hall.
Malugod siyang sinalubong nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Doray Delarmente, at ng City Council.
Kasama rin na bumisita sa lungsod sina NAPOLCOM Commissioner Atty. Raphael Calinisan at Senator-elect Bam Aquino.
Ipinahayag ni PGen.Torre ang paghanga sa pamumuno ng lokal na pamahalaan at sa patuloy na pakikiisa tungo sa kaayusan at kapayaan ng komunidad.




