Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng Prosecutors’ League of Quezon City kasama si Chief City Prosecutor Vimar Barcellano.
Sa kanilang pulong, binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan at koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga prosecutor upang mapalakas ang paghahatid ng serbisyong legal sa lungsod.









