Bumisita ang QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang Pastoral Care para sa Bahay Kalinga.
Layon nito na maisalilalim sa counselling sessions ang mga kabataan na nasa pangangalaga ng Bahay Kalinga sa lungsod.
Pinag-usapan rin ang ilan pang social service programs ng pamahalaang lungsod.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Joy sa kanilang donasyon na 200 bed sheets sa Social Services Development Department.
