Wagi ang concert chorus ng QC Performing Arts Development Foundation Inc. (QC PADFI) sa World Choir Games 2023 sa Gangneung, South Korea!
Kinilala ang galing ng QC PADFI at nakatanggap ng Golden Diploma o pinakamataas na parangal sa Mixed Youth Choir Category at Musica Contemporanea Mixed Voices Category.
Bilang pasasalamat sa suporta ng lokal na pamahalaan, hinarana ng grupo sina Mayor Joy Belmonte, mga department head, at mga empleyado ng pamahalaang lungsod.
Bago makatanggap ng parangal, nagtanghal ang QC PADFI concert chorus sa Korean-Philippine Friendship Concert sa Goyang City. Nag-perform din sila sa Embassy of the Philippines in Korea at natunghayan din ni Ambassador of the Philippines to Korea HE Maria Theresa Dizon – De Vega.
Ang QC PADFI ay naitatag noong 2001, kung saan naging founding chairperson si Mayor Joy. Sa loob ng 22 taon, mahigit 4,000 kabataang QCitizens na ang naging scholar at nalinang ang talento dahil sa PADFI.