Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga newly-appointed official at station commanders ng Quezon City Police District (QCPD) ngayong umaga.
Sa kanyang mensahe, hinamon ni Mayor Joy Belmonte ang mga pulis na mas pag-igihan pa ang pagsisilbi at paglilingkod sa mga QCitizen para matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.
Binigyang-diin din ng alkalde na nakasuporta ang lokal na pamahalaan sa mga pulis, at sisikaping maibigay ang iba pa nilang pangangailangan sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.
Mahigpit na nakikipagtulungan ang Quezon City Government sa QCPD, sa pangunguna ni Acting District Director PCol. Melecio Buslig Jr., para matiyak ang payapa at matiwasay na pagsasagawa ng mga programa at aktibidad sa lungsod.
Naroon din sa courtesy visit ng mga pulis sina Chief of Staff Rowena Macatao, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, District 5 Action Officer William Bawag, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at Remigio Gregorio ng Department of Public Order and Safety (DPOS).