Nasungkit ng Quezon City Performing Arts Development Foundation, Inc. (QCPADFI) Concert Chorus ang dalawang gintong medalya sa ginanap na 13th World Choir Games sa Auckland, New Zealand.
Bumisita sa QC Hall ang PADFI, at ipinakita kay Mayor Joy Belmonte ang tropeyo at mga medalya na napanalunan nila bilang “Champion of the World Choir Games” sa ilalim ng Mixed Chamber Choirs category at sa Sacred Choral Music with Accompaniment category.
Noong nakaraang taon, nakatanggap din ang PADFI ng dalawang golden diplomas sa 12th World Choir Games sa Gangneung, South Korea.