Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng Quezon City Philippine Association of Real Estate Board (PAREB) na pinangunahan ng kanilang pangulo na si Julie Sy.
Pinag-usapan din ang mga programang puwedeng pagtulungan ng grupo at QC LGU katulad ng pabahay at edukasyon. Tinalakay rin ang ilang isyu ukol sa sektor ng real estate at housing.
Kasama sa pulong si Atty. Sherry Gonzalvo, hepe ng QC Assessors Office.




