Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga bagong officer at station commanders ng Quezon City Police District.
Ngayong hapon, pormal na ipinakilala ni QCPD Director PBGen Redrico Maranan kay Mayor Joy ang 16 na bagong appoint na station commander at officers ng QCPD na magiging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Binigyang-diin ng alkalde na makikipagtulungan ang QC sa awtoridad para masolusyunan ang mga isyu sa lungsod. Patuloy din ang pagsuporta ng pamahalaang lungsod sa mga pangangailangan ng mga pulis.
Kasama rin ni Mayor Belmonte sa courtesy visit ng mga bagong opisyal ng QCPD sina City Administrator Mike Alimurung, Chief of Staff Rowena Macatao Secretary to the Mayor RJ Belmonte, at Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo.