Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ni Republic of Kenya Principal Secretary for Diaspora Affairs Roseline K. Njogu at mga kapwa delegado sa Quezon City Hall ngayong araw.
Ang kanilang pagbisita sa Lungsod Quezon ay bahagi ng kanilang study tour sa bansa upang matutunan ang mga best practices sa migrant management, labor, at social protection.
Iprinisenta naman ng QC Public Employment Service Office (PESO) ang mga milestones ng QC Migrants Resource Center (QCMRC) at mga programa ng lungsod na nakatuon sa pagprotekta sa kapakanan ng mga overseas filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya nito.
Ilan sa mga programang ito ay ang QCMRC Full Cycle Migration Program, Smart Child e-Habilin program, OFW Kumustahan, at ang financial and livelihood assistance program ng lungsod.
Dumalo rin sa pulong si PESO head Rogelio L. Reyes at mga kinatawan ng QC Tourism Department.