Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-courtesy visit kay Mayor Joy Belmonte si Resilient Cities (R-Cities) Global Director for Engagement and Practices Lina Liakou ngayong Miyerkules.
Nagtutulungan ang R-Cities at lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga akma at napapanahong solusyon sa panganib dulot ng pabago-bagong klima.
Kahapon, pormal nang inilunsad ang OASIS Schoolyard Project sa Diosdado Macapagal Elementary School, na idinisenyo base sa pangangailangan at sitwasyon ng mga mag-aaral, guro, at komunidad.
Mayroon ditong maaliwalas na central seating, mga upuan, playground, at shaded side park na may play at learning elements.




