Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte si Rotary International District 3780 Governor Veronica Yu ngayong Lunes.
Ipinahayag ni Yu na handa ang Rotary na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga QCitizen.
Mas papaigtingin pa nila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa lungsod, para masigurong dapat at nararapat ang mga programang isasagawa nila sa mga komunidad.
Kasama rin nila sa pulong sina City Legal Officer Atty. Carlo Austria, Mr. Perry Dominguez, at iba pang miyembro ng Rotary.








