Bumisita sa Quezon City Hall sina incoming Rotary International Director Jennifer Scott at Mr. Ian Kingsley Scott.
Malugod silang tinanggap ni Mayor Joy Belmonte, kung saan ibinahagi rin niya ang ilan sa mga programa ng lungsod na katuwang ang Rotary International District 3780. Kabilang dito ang literacy at mental health initiatives.
Pinasalamatan din ni Mayor Joy ang Rotary dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa QC Government sa pagsasagawa ng mga programang nakalinya sa mga prayoridad at target ng lungsod.
Naroon din sa meeting sina BH Partylist Rep. Bernadette Herrera, Coun. Bernard Herrera, Rotary International District 3780 District Governor Paul Angel Galang, Education Affairs Unit (EAU) Chief Maricris Veloso, Small Business Cooperatives Development amd Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, QC Health Department (QCHD) OIC Dr. Ramona Abarquez, at Chief Healthcare Operations Officer Dr. Dave Vergara.