Malugod na sinalubong ni Mayor Joy Belmonte si Secretary to the Interior and Local Government Jonvic Remulla ngayong hapon.
Ipinahayag ng Quezon City Government ang suporta nito sa DILG, lalo na sa pagsusulong at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Kasama rin ng alkalde na sumalubong sa pagdating ng SILG sina QC Council Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, City Administrator Mike Alimurung, City Attorney Carlo Austria, at General Services Department Head Fe Bass.