Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan mula sa sister club Rotary Club of Geumsan-Insam, South Korea, kasama sina Councilors Cocoy Medina at Doc Ellie Juan, gayundin ang mga miyembro ng Rotary Club of Talipapa.
Pinangunahan ang delegasyon nina President Baek Seung Ho, Secretary Cha Min Kook, Past President (2022–2023) Cha Dong Su, Past President (2024–2025) Lee Ui Seop, Mrs. Bae Jong Nam, at Immediate Past President (2025–2026) Park Kyung Hwan.
Sa naging pulong, tinalakay ang mga oportunidad para sa mas matibay na pagtutulungan sa mga proyekto para sa teknolohiya at environmental sustainability.










