Ang mga mag-aaral na bahagi ng CENTREX (Center for Research and Student Leadership) Program ay nagkaroon ng pagkakataon na masaksihan ang deliberasyon ng Sangguniang Panlungsod para sa budget ng taong 2025. Sa pamamagitan ng kanilang karanasan, inaasahan na higit nilang mauunawaan ang proseso sa pagbuo ng mga prayoridad na mga programa at paglalaan ng pondo para sa mas progresibong Lungsod Quezon.

Kasama ang mga kabataan, patuloy nating itinataguyod ang kahalagahan ng transparency, partisipasyon, at responsibilidad sa ating lungsod.

+8