QC YOUTH SCIENTISTS!
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ang mga estudyante ng Quezon City Science High School (QCSHS) na nagwagi ng dalawang awards mula sa Malaysia at New York City para sa kanilang imbensyon.
Ito ay ang Solar Integrated Machine for Oryza Sativa (Rice Grains) Dryer na makatutulong sa mga magsasaka upang mabilis na mapatuyo ang mga naaning palay.
Nakatanggap ito ng Silver Medal sa 13th Regional Congress Search for SEAMEO Young Scientists at Bronze Medal mula sa GENIUS Olympiad International High School Project Fair on Environment.
Kasama rin ng mga bumisita sina Commission on Higher Education Chairperson Prospero “Popoy” Devera, Quezon City University President Dr. Theresita Atienza, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, at Coach Earl Francis Merilles.