Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang kasalukuyang curator ng Tandang Sora Women’s Museum at Filipina visual artist na si Sandra Torrijos.
Nagpasalamat si Mayor Joy sa kontribusyon ni Torrijos sa pagbuo ng kauna-unahang women’s museum na matatagpuan sa Lungsod Quezon.
Tinanggap ng Alkalde ang dalawang wood sculptures na gawa ni Torrijos na may koneksyon sa tema ng museo na HERstorical Philippine Timeline.




