Bumisita ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) kay Mayor Joy Belmonte upang ibahagi ang proyektong APO KO na ipa-pilot test sa Lungsod Quezon.

Ang APO KO project ay naglalayong i-train ang mga senior citizens na nasa care facilities upang turuan ang mga batang edad 4 hanggang 11. Nakatuon sa cultural stories at tradisyon ng mga Pilipino ang lalamanin ng mga sessions.

Una itong ipatutupad sa Golden Reception and Action Center for the Elderly and Special Cases (GRACES) na matatagpuan sa lungsod.

Nais ng Alkalde na magkaroon din ng programang tulad nito para sa mga Senior QCitizens na nais magbahagi ng kani-kanilang mga karanasan at aral sa buhay sa mga kabataan.

Dumalo rin sa pulong si Social Services Development Department head Carolina Patalinghog.