Bumisita sa Quezon City Hall ang mga miyembro ng United Nations Association of the Philippines (UNAP), sa pangunguna ng kanilang National President na si Ms. Ramona Ines Bustamante-Raneses.

Sa kanilang pulong kay Mayor Joy Belmonte, ipinahayag ng grupo ang kanilang suporta sa pamahalaang lungsod partikular sa pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng kahalagahan ng mental health.

Handang tumulong ang UNAP sa Quezon City Government sa pagbibigay ng karagdagang resources sa pagtatanim ng native trees, at pagsasagawa ng mga forum o seminar sa mga kabataan para mapangalagaan ang kanilang kalusugang pangkaisipan.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Youth Development Office Head Dr. Lyn Dividina, Parks Development and Administration Department (PDAD) Head Arch. Red Avelino, at kinatawan mula sa Sangguniang Kabataan Federation ng lungsod.