Mula sa kalawakan, para sa komunidad. ![]()
![]()
Nag-courtesy visit si Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga opisyal ng Quezon City Government, sa Philippine Space Agency (PhilSA) at kay Director General Dr. Gay Jane P. Perez.
Ibinahagi ng PhilSA ang kanilang mga programa at kung paano magagamit ang space technology at satellite data sa disaster preparedness, climate studies, mapping, urban planning, national security, at iba pang serbisyo para sa komunidad.
Mahalaga rin ang space education upang mahikayat ang mga kabataan na tuklasin ang STEM at maging susunod na henerasyon ng scientists at innovators.
Kabilang sa layunin ng QC at PhilSA na gamitin ang teknolohiya at kaalaman mula sa kalawakan para makabuo ng data-driven policies at programs para sa komunidad.










