Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang social services ng Lungsod Quezon kay United States Embassy – Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) Dir. Kelia Cummins sa pagbisita nito sa Quezon City Hall ngayong hapon.
Ipinagmalaki ng alkalde kung gaano nakakatulong ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan sa mga QCitizen, tulad ng QCity Bus program, QCitizen Homes project, Digitalization ng mga serbisyo, at pagtugon sa epekto ng climate change. Binanggit din ni Mayor Joy kung paano isinusulong ng lungsod ang gender equality at pagsisiguro ng seguridad ng mga mamamayan.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Social Services Development Department OIC Rowena Macatao, QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC ADAAC) Action Officer Christella Buen, at Ms Jona Santos ng US Embassy INL.