MAG-INGAT PO TAYO, QCITIZENS!
Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 27 kaso ng COVID-19 ang average na naitatala kada araw sa lungsod.
Mas mataas ito ng 57.9% kumpara noong nakaraang linggo at may average positivity rate na 14.55%.
Magsuot ng face mask lalo na ang mga matatanda at maysakit.
Maaaring magtungo sa ating barangay health centers o makipag-ugnayan sa QCESU kung nakakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19:
8703-2759
8703-4398
0999-229-0751