Siyam ang natukoy na first generation contact ng dating OFW (index case) na nanuluyan sa Riverside, Commonwealth Quezon City, matapos magpositibo sa COVID-19 B 1.1.7 variant (UK Variant).
Ito ay ang mga sumusunod:
- lalaking kasama sa apartment
- 6 staff ng OYO 416 Lucky Hotel (Binondo, Manila)
- Grab Driver (Tondo, Manila)
- Welding Customer – Habang nasa apartment sa QC, may nagpawelding na residente sa OFW at kanyang kasama
Sa first batch ng testing, negatibo ang siyam. Lahat sila ay tatapusin ang 14-day home quarantine kahit nag negatibo sa swab test.
Sa second generation contact, siyam (9) na indibidwal rin ang natukoy.
Sila ang kasama sa bahay ng residenteng nagpawelding
Sa kabuuan, umabot sa 196 ang general close contacts ng index case. Kasama na sa bilang ang dalawa pang pasaherong sumakay sa Grab driver na sinakyan ng index case.
Umabot sa 342 ang indibidwal na nasa loob ng 50-meter radius ng apartment na tinuluyan ng index case, pero ang iba ay itinuturing na third generation contact kaya hindi kailangang iswab test.
Ang isinalang naman sa testing ay umabot sa 206.
Walo sa kanila ang may sintomas, at 198 ang wala.
Sa 206, dalawa (2) ang nagpositibo sa swab test noong February 11. Ang nagpositibo ay ang mga sumusunod:
1.Lalaking 36 anyos na taga-Riverside, Brgy Commonwealth. Asymptomatic siya, at may limang kasama sa bahay. Dalawa sa kasama niya ang sumalang na sa swab test, at negatibo ang resulta. Tatlo pa niyang kasama na may edad na 8, 5, at 1 anyos ay isasalang din sa swab test ngayong araw, February 15, kahit wala silang sintomas.
2.Babaeng 44 anyos na taga-Riverside, Commonwealth. Asymptomatic din. May apat siyang kasama sa bahay at lahat ay negatibo sa swab test.
Lahat ng nagpositibo sa swab test ay dinala na ng BHERT/ DRRMO sa HOPE Quarantine Facilty.
Ipapasalang ng CESU sa genome sequencing ang dalawang nagpositibo. Kasabay nito, magsasagawa ang CESU ng karagdagang contact tracing sa dalawang positive cases.
Inirerekkmenda rin ng CESU na tapusin ang 14-day quarantine ng mga kasama sa bahay ng dalawang nagpositibo.
Ang iba pang kabilang sa general contacts na negatibo ang resulta ay hindi na kailangang tapusin ang 14-day quarantine.
###