Ano ang SAP?
Ang Social Amelioration Program (SAP) ay programa ng national government upang bigyan ng ayuda ang mga kwalipikadong pamilya na apektado ng Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19. Kabilang dito ay Emergency Subsidyy Program (ESP) ng DSWD.
Bibigyan ng P8,000 tulong pinansyal ang mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ito ay base sa Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2020; Memorandum Circular No. 6 series of 2020; at Memorandum Circular No. 9 series of 2020. Ang mga kabilang na ahensya ng pamahalaan: DSWD, DOLE, DTI, DA, DOF, DBM, DILG.
Paano ito matatanggap?
Magbibigay ng social amelioration cards ang DSWD sa tulong ng ating lokal na pamahalaan at ng barangay.
Ang priority list at ang Social Amelioration Cards ay manggagaling sa DSWD. Ang iba pang kwalipikadong benepisyaryo ay dumadaan sa pag susuri o validation ng DSWD.
Ang mga accomplished form o Social Amelioration Card form at kokolektahin, i-eencode at isusumite sa DSWD para i-validate. Ang pagbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo ay pamumunuan ng DSWD sa pakikipagtulungan ng LGU.
Iba’t iba ang pamamaraan ng pagbibigay ng tulong-pinansyal na iaabot mismo sa benepisyaryo, depende ito sa kani-kanilang barangay. Ito’y para matiyak ang kaligtasan ng mga kukuha, kasabay ng pag papatupad ng social distancing.
Kung ikaw ay naka register na sa programang ito, maaaring icheck ang status ng iyong SAP sa QC e-Services portal.
Qualifications
Kasama sa programa ang mga mahihirap at pamilyang nasa informal sector na nanganganib mawalan ng kabuhayan dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Kailangang ang nasabing pamily ay mayroon ding miyembro na kabilang sa alinman sa mga sumusunod:
- Senior Citizens
- Persons with Disability (PWDs)
- Pregnant Women
- Solo Parent
- Homeless Families
- Farmers and Fisherfolk
- Informal Settler
- Overseas Filipino Workers (in distress or repatriated)
- Informal Economy Workers:
- Drivers (TODA, JODA, PODA, AUV)
- Kasambahay
- Construction worker at laborer
- Labandera, vendors, may-ari ng mg karinderia, sari-sari stores at mga maliit na negosyo tulad ng food processing, native delicacies at craftsmaking
- Lahat ng No Work-No Pay na hindi kabilang sa DOLE Order No. 209 Series of 2020 at iba pang patakaran sa adjustment measurements programs
Sino ang hindi qualify?
- 4Ps beneficiaries (mabibigyan na sila ng DSWD sa pamamagitan ng cash card)
- Mga hindi indigent o informal sector na pamilya
- Hindi nawalan ng trabaho o kabuhayan
- Formal Sector Workers with Pay and Salaries, at benepisyaryo ng DOLE Order No. 209 at iba pang patakaran sa adjustment measures program
- Families who have OFW spouses/members
- Government Employees (National at Local, kabilang ang Public School Teachers, na hindi nawalan ng trabaho)
- Work from Home Employees
- Retired Pensioners
- Barangay Officials