Overview


Kahit sino ay maaaring magkaroon ng COVID-19.

Bawasan ang mga pagkakataong mahawa o maipasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng:

  • Pagsasagawa ng physical distancing – Manatili sa bahay upang mabawasan ang inter-aksiyon sa ibang tao, at panatilihin ang isang metro distansiya (mga 2 dipa) sa mga táong nása paligid mo sa loob at labas ng tahanan.
  • Panatilihin malinis ang mga kamay – Hugasan ang iyong kamay nang 20 segundo gámit ang sabon at tubig, o gumamit ng 70% alcohol-based hand rub.
  • Gawin ang wastong paraan ng pag-ubo – Takpan ang iyong bibig at ilong gámit ang braso o tissue kapag bumahing o umubo.
  • Iwasan hawakan ang bibig, mata at ilong – Huwag hawákan ang inyong bibig (Mouth), mga mata (Eyes), o ilong (Nose), lalo na kung humawak ka sa maruruming rabaw.
  • Paglilinis at pagdi-disinfect – Panatilihing malinis ang inyong tahanan at mga kagamitan sa pamamagitan ng pag-spray at pagpunas sa mga ito gámit ang 7 kutsara (100 mL) ng bleach na hinaluan ng isang litro ng tubig, o ng 70% alcohol solution.
  • Sumunod sa mga tagubilin ng mga health officer – Hawak ng mga health officer ang pinakabagong impormasyon hinggil sa COVID-19. Makinig sa kanilang payo

Source: www.laginghanda.gov.ph