OVERVIEW
Maliban kung may emergency o ganap na pangangailangan, huwag umalis sa bahay.
Maaaring may mga pagkakataon na kinakailangan mong lumabas sa bahay upang magtrabaho o bumili ng basic necessities. Alamin ang tips mula sa DOH upang maiwasan ang pagpasok ng COVID-19 sa bahay.
HABANG NASA LABAS NG BAHAY
- Magdala ng alcohol o hand sanitizer. Ilagay sa bag o sa bulsa. Gamitin nang palagian kung hindi pwedeng hugasan ang kamay na may sabon at tubig.
- Huwag hawakan ang mukha.
- Huwag hawakan ang mga bagay kung maiiwasan.
- Ugaliing mag physical distancing. Panatilihin ang 1 metro (2 dipa) o higit pang puwang mula sa iyo at sa ibang tao.
PAG NAKA UWI NA
- Mag-spray ng alcohol sa swelas, at hubarin ang sapatos bago pumasok sa bahay. Ilagay ang sapatos sa itinalagang lugar sa labas ng bahay, o malapit sa pintuan.
- Hubarin ang iyong damit at ilagay sa hiwalay na laundry bag. Labhan ito gamit ang tubig, detergent, at konting bleach sa madaling panahon.
- Ilagay ang bag, susi, barya, at iba pang mga gamit na dinala sa labas sa itinalagang lugar o kahon malapit sa pintuan.
- Linisin ang bag at ibang gamit na dinala sa labas sa pamamagitan ng pag-spray ng bleach at tubig o 70% alcohol solution.
- Mag-iwan ng alcohol o sanitizer malapit sa pintuan, at linisin muna ang kamay bago pumasok sa bahay. Habang hindi pa malinis ang kamay, huwag munang hawakan ang mga bagay sa loob ng bahay.
- Maligo muna pagdating na pagdating sa bahay. Hugasan ng mabuti ang lahat ng nakalantad na erya gamit ang sabon. Tulad ng paghuhugas ng kamay, kuskusin ng mabuti ang katawan ng 20 na segundo.
Source: https://laginghanda.gov.ph/health/how-to-contain-covid-19