PAG SUOT NG FACEMASKS
- Tiyaking natatakpan ng face mask ang iyong bibig at ilong, at nakalapat nang maigi sa iyong mukha.
- Isuot ang mask sa lahat ng oras habang nasa pampublikong lugar, kahit habang nakikipag-usap. Tanggalin lamang ito kapag nasa bahay na o kailangang kumain.
- Huwag hawakan ang iyong mukha habang suot ang mask
- Hugasan ang iyong mga kamay gámit ang sabon at tubig o alcohol-based solution bago at pagkatapos ayusin o hawakan ang iyong mask.
PAGTATANGGAL AT PAGTATAPON NG FACEMASK
- Tanggalin ang iyong face mask mula sa likod nang hindi hinahawakan ang harap ng iyong mask.
- Huwag nang gagamitin muli ang mga disposable mask. Palitán ang mga ito araw-araw o kapag nasira, narumihan, o mamasa-masa na.
- Labhan ang reusable na telang mask gámit ang mainit na tubig at detergent. Patuyuin ito sa ilalim ng araw.
- Pagkatapos tanggalin ang face mask, linisin agad ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based solution.
Source: https://laginghanda.gov.ph/health/how-to-contain-covid-19