Ibinahagi ni National Artist for Film and Broadcast Arts at award-winning writer Ricky Lee ang kanyang kaalaman sa pagsulat at storytelling sa halos 100 information officers at manunulat ng Quezon City Government.
Ipinaliwanag niya kung paano mas maiku-kwento nang maayos ang mga istorya, at kung ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsusulat nito.
Nag-courtesy call din si Ricky Lee kay Mayor Joy Belmonte. Bilang pasasalamat sa kanyang pagpapaunlak sa lungsod, binigyan siya ni Mayor Joy ng librong Facets of Faith tampok ang iba-ibang pook-sambahan.
Ang Storytelling workshop ay bahagi Creative Writing seminars na inorganisa ng QC Public Affairs and Information Services Department para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.