Nilinis at tinanggal ang mga basurang nakatambak sa Kalamyong Creek sa Congress I Park sa Alegria St. Barangay Commonwealth upang maiwasan ang pagbaha sa komunidad.
Magkatuwang sa isinagawang cleanup operation ang QC Engineering Department sa ilalim ni Engr. Dale Perral, at District 2 Action Office sa pamumuno ni Action Officer Atty. Enrile “Bong” Teodoro.
Paalala po ng Pamahalaang Lungsod, ugaliing magtapon ng basura sa wastong tapunan o lugar upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran at maiwasan ang pagbaha at pagkalat ng sakit.