Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ng clearing works sa creek sa Southville Subdivision, Brgy. Holy Spirit. Layunin nitong alisin ang mga basura at debris na nakaharang sa daluyan ng tubig upang mapabuti ang agos nito. Bukod dito, nagsaayos rin ng mga drainage inlet sa lugar.
Iniulat naman sa Department of Building Official ang mga istrukturang lumalabag at nag-e-encroach sa daluyan ng tubig upang maisagawa ang nararapat na aksyon.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng clearing at declogging works sa iba’t ibang barangay upang maiwasan ang matinding pagbaha at mapanatiling ligtas ang mga komunidad.










