Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung paano nagtutulungan ang pamahalaan at pribadong sektor sa Quezon City, sa ginanap na CSR Guild Awards ng League of Corporate Foundations.
Sa kanyang mensahe, binanggit ni Mayor Joy na sa Quezon City, matagumpay na naisasagawa ang iba-ibang proyektong panlipunan, kabilang ang mga programang pangkalusugan, housing, at climate resilience sa tulong ng mga pribadong sektor at civil society organizations.
Pinasalamatan niya rin ang mga foundation dahil sa patuloy nilang pagtitiwala sa lokal na pamahalaan. Sisiguruhin ng lungsod na mapupunta sa tama at makabuluhang programa ang tulong at suporta na manggagaling sa kanilang sektor.
Kabilang sa mga pinarangalan sa CSR Guild Awards ang mga proyektong nagpabago at nagpaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan, lalo na sa mga pinaka nangangailangang miyembro ng komunidad.










