Good news QC business owners!
Hindi niyo na kailangan pang lumabas at pumila para magpa-assess at magbayad ng business tax, dahil simula ngayong araw, pwede niyo na itong gawin ONLINE!
Nauna nang ginawang online ang pag-apply at renewal ng business permit sa lungsod para mas mapadali ang pagnenegosyo sa Quezon City.
Mahalaga ito lalo’t kabilang sa 14 point agenda ni Mayor Joy Belmonte na gawing preferred destination ang Quezon City para sa mga nais magnegosyo.
Kaya sa mga negosyante, maaari nyo nang gawin ang pagbabayad ng inyong buwis ONLINE dahil extended ang pagbabayad ng business tax hanggang July 20, 2022.