Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang nasunog na mga kabahayan sa ilalim ng Culiat Bridge sa Congressional Avenue ng Barangay Bahay Toro ngayong Linggo.
Agad na ipinag-utos ng Alkalde na isara ang Culiat Bridge at inspeksyunin ito ng QC Department of Engineering katuwang ang Department Of Public Works and Highways para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at QCitizens na gumagamit ng tulay.
Nasa 38 pamilya naman ang kasalukuyang namamalagi sa Bago Bantay Elementary School bilang evacuation center. Tinutugunan na rin ang kanilang mga pangangailan sa tulong ng Social Services Development Department.
Ililipat ang mga apektadong pamilya sa maayos at permanenteng pabahay ng lungsod.
Kasama sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, QC Fire District Fire Marshal FSupt Roberto Samillano Jr., Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, QC Police District Director PBGEN. Randy Glenn Silvio, at Public Affairs and Information Services Department head Bert Apostol.










