Naglagay na ng perimeter fence o bakod ang QC Department of Engineering (QCDE) sa ibabaw at ilalim ng nasunog na Culiat Bridge sa may Congressional Avenue.
Ito’y para hindi na muling matirhan o matayuan ng mga bahay ang nasabing lugar.
Mahigpit rin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at dalawang barangay na nakakasakop sa tulay kaugnay sa pagbabantay sa lugar.
Patuloy naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH), at Maynilad sa pagsusuri at pagkukumpuni sa nasunog na bahagi ng tulay upang matiyak na ligtas ito bago muling buksan sa publiko.
Samantala, nailipat na sa Transition Housing sa Brgy. Payatas ang 38 pamilyang naapektuhan ng sunog sa ilalim ng tulay. Mananatili sila sa transition housing hanggang sila’y mailipat sa permanenteng tirahan.










