INKLUSIBONG EDUKASYON SA QC!
17 Learners with Disabilities ang binigyang-pagkilala ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa idinaos na Culminating Activity: Closing Exercises Alternative Learning System – Special Needs Education (ALS SNED) para sa school year ‘24-‘25.
Alinsunod sa adhikain ni Mayor Joy Belmonte na lahat ng kabataang QCitizens ay may karapatang magkapag-aral, binuo ng PDAO ang ALS SNED program para mahubog ang buong potensyal nila at maging bahagi ng inklusibong pamayanan.
Katuwang ng PDAO sa programa ang Schools Division Office (QC SDO) at Justice Cecilia Munoz Palma High School (JCMPHS) bilang pilot school ng ALS SNED.
Inihahanda na ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapalawig ng programa para sa anim na distrito ng QC.
Pinangunahan ni PDAO head Debbie Dacanay ang programa kasama sina Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, QC SDO Education Program Supervisor Roger Tamondong, JCMPHS Principal Dr. Florito Gereña, ALS Education Program Supervisor Dennis Mano, SNED Division Supervisor Marietta Caballero, at mga magulang.




